UP-ALL : Urban Poor Alliance (Pilipinas)

Online Space for Housing and Land Rights Advocates

Ang Urban Poor Alliance – Isang Pagpapakilala

Posted by urbanpooralliance on May 27, 2007

Ang Urban Poor Alliance ay binubuo ng mga peoples organisation, non-government organisation at mga indbidwal mula sa sector ng mga maralitang tagalunsod. Ito ay isang kolektiba na naninindigan sa karapatan sa maayos at ligtas pabahay at mga batayang serbisyo.

Ang UP-ALL ay bunga ng isang proseso ng Urban Poor Colloquium, isang mekanismo na naatasang magdala ng mga isyu mula sa mga maralitang tagalunsod sa pamahalaang local. Sa prosesong ito nanindigan ang mga lider at kinatawan ng mga PO, NGO, at iba pang samahan sa iba’t ibang pamayanan sa kawalan ng pagtugon mula sa kasalukuyang administrasyon sa mga hinaing at balakid ng mga maralitang tagalunsod particular sa isyu ng pabahay.

Noong Hulyo 2005, pormal na inilunsad ang UP-ALL bilang isang kilusan na magsusulong ng mga usapin tungkol sa maralitang tagalunsod at pabahay sa iba’t ibang antas at proseso ng pamahalaan. Binubuo ng limang rehiyonal na grupo: Luzon, NCR, Bicol, Visayas, at Mindanao, ang alyansa ay naglikha ng kanyang 14-point Advocacy Agenda, kung saan inilatag at binigyang-diin ang mga matagal ng isyu ng sector at mga hinihiling na tugon sa mga ito. Kabilang sa mga isinusulong ng 14-point Advocacy Agenda ay ang mga sumusunod:

  • Ang pagtatalaga ng local housing board sa bawat pamahalaang local na mangagasiwa at tutugon sa mga isyu ng pabahay at ibang batayang serbisyo ng mga maralitang tagalunsod.
  • Ang pagtitiyak ng karampatang proteksyon at makabuluhang paglahok ng mga apektadong pamilya, PO, NGO at iba pang stakeholder sa mga planong pangimprastruktura, sa pamamagitan ng in-city relocation.
  • Ang regular na paglalaan ng karampatang pondo sa pabahay sa pamamagitan ng isang konsultatibong proseso at ang pagtitiyak na ang pagaaloka ng pondo ay tumutugon sa layunin ng Gender and Development.

Sa halos dalawang taong sama-samang pagkilos ng UP-ALL, ang Alyansa ay kinikilala bilang isang maasahang pormasyon sa paghuhugis ng mga patakaran, batas, mekanismo at iba pang pagkilos mula sa pamahalaan. Dahil sa mahabang karanasan ng kanyang miyembro sa paglilingkod sa sector, ang UP-ALL ay naging matagumpay sa ilang pagkilos particular sa larangan ng Community Mortgage Program:

  • Ang pagkakaroon ng karagdagang pondo (P5 million) sa capitalization ng Social Housing Finance Corporation (SHFC);
  • Pagpapatalsik kay Celso de los Angeles bilang pangulo ng National Home Mortgage Finance Corporation (NHMFC) dahil sa katiwalian at sa kanyang kawalan ng kakayahang ipatupad ang Executive Order 272 na nagtatakda ng pagbubuo at mga tungkulin ng SHFC at iba pang programang pabahay.
  • Paghihikayat sa NHMFC na agad na ilagak kanyang pondo at irehistro ito sa Securities and Exchange Commission;
  • Pakikilahok at pagkilala sa Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) sa paggawa the implementing rules and regulations hinggil sa post proclamation sites para sa social housing;
  • Pagsusumite ng sampung lugar para sa posibleng proklamasyon para sa social housing.

Ilan sa mga pagtutuunan ng pansin ng Alyansa an gang patuloy na pagsulong sa kanyang 14-point Advocacy Agenda; pagpapalakas sa UPC; paggawa ng isang research agenda base sa 14-point Advocacy Agenda; pagbuo ng mga istratehiya na magpapalakas sa UP-ALL bilang isang kilusan; at paglikom ng sapat na pondo na makakatulong sa pagtaguyod ng mga pagkilos sa rehiyonal at nasyonal na antas. (NS)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: