UP-ALL : Urban Poor Alliance (Pilipinas)

Online Space for Housing and Land Rights Advocates

Concept Note: UP-ALL NCR GA 2007

Posted by urbanpooralliance on July 6, 2007

Ang Urban Poor Alliance (UP-ALL) ay isang kilusan na binubuo ng

Ang Urban Poor Alliance ay isang alyansa na binubuo ng mga non-government organisation, peoples organisation, at indibidwal na kumikilos upang tugunan ang pangngailangan sa pabahay at batayang serbisyo ng mga maralitang tagalunsod. Ito ay sa pamamagitan ng pagtataguyod ng mga prosesong nagbibigay daan sa makabuluhang pakikilahok ng mga maralitang tagalunsod sa mga suliranin, isyu at iba pang paghamon na kanilang hinaharap. Ilan sa mga ito ay aktibong kampanya; patuloy na pakikipagugnayan sa pamahalaan; masinop na pag-oorganisa ng mga pamayanan; at masusing pananaliksik.

Ang pagkakabuo ng UP-ALL noong 2005 ay batay sa napagkaisahang 14-Point Agenda, isang paglalagom ng mga pinakamatitingkad na hangarin ng sektor. Ilan sa mga ito ay ang pagkabubuo ng local housing board sa mga lokal na pamahalaan; pagpagtitiyak ng relokasyon sa loob ng lungsod sa pamamagitan ng isang malinaw na prosesong kinalalahukan ng mga apektadong pamilya at pamayanan; at pagkakaroon ng malinaw na pagba-budget para sa pabahay, na tumutugon din sa layunin ng Gender and Development.

Ang nasabing 14 – Point Agenda ay siya ring naging basehan ng mga pagkilos ng mga kasapi mula sa pambansang punong rehiyon nitong mga nakaarang buwan. Bilang paghahanda sa pakikilahok sa nagdaang halalan, ang UP-ALL NCR ay nakapaglabas ng isang Legislative Agenda, na naglalaman ng mga paraan at rekomendasyon upang itulak ang 14-Point Agenda sa lehislatura. Ang Legislative Agenda ay inihain sa piling-piling kandidato at party list na tumatakbo para posisyon sa kongreso.

Ngayong darating na Hulyo, muling magkikita-kita ang mga hanay ng UP-ALL mula sa iba’t-ibang rehiyon. Bilang paghahanda, kinakailangang magpatawag ng isang pangkalahatang pulong ang UP-ALL NCR sa ika-30 ng Hunyo upang makagawa ang hanay ng sarili nitong posisyon, plano, at mungkahi hinggil sa mga panloob at panlabas na mga proseso, isyu, at pagkilos ng Alyansa. Layunin ng pangkalahatang pulong ay ang mga sumusunod:

  1. Repasuhin ng mga layunin ng UP-ALL na nakapaloob sa 14-Point Agenda at Legislative Agenda at makapagbuo ng mga istretehiya hinggil dito sa lokal na antas

  2. Pagusapan ang istruktura ng UP-ALL NCR, particular na ang liderato nito.

  3. Magbaliktanaw at suriin ang pakikilahok ng UP-ALL NCR nitong nagdaang halalan

Ang resulta ng mga paguusap at pagplaplano na pangkalahatang pulong ng UP-ALL NCR ay inaasahang ibabahagi sa ibang hanay ng Alyansa sa mas malaking patitipon nito sa Hulyo

at makakatulong sa pagpapatatag ng UP-ALL sa pagtugon nito sa iba’t ibang hamon sa darating na panahon.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: