UP-ALL : Urban Poor Alliance (Pilipinas)

Online Space for Housing and Land Rights Advocates

Bishop Pabillo’s Statement

Posted by urbanpooralliance on August 8, 2007

Bishop Pabillo (JJC-ICSI) Magandang hapon sa inyo. Sorry po at hindi ako makakatagal hanggang mamaya dahil sa iba pang gawain. Ako’y natutuwa na makasama sa inyong meeting. First time ko lang makasama itong grupo kaya may mga mungkahi akong sasabihin na hindi ko alam kung naaangkop o hindi sa inyong scope ng trabaho ngunit baka at least makatulong sa inyong gawain.

Ang isa po ay ang relationship ng urban poverty at rural poverty. hindi natin ma-solve ang urban poverty kung hindi natin masosolve ang rural poverty kasi pasok nang pasok ang mga tao sa atin. Kagabi lang naroroon ako sa Las Pinas at ibinalita sa akin ng pari sa bagong organ, mayroon silang squatter sa tulay na ang sahig nila ay styrofoam para kapag mataas ang tubig aakyat sila pagmababa ang tubig bababa din sila. Ang tanong ko gaano sila katagal doon. “Ay Bishop kung maganda na ang buhay aalis na sila, may bago ng papasok.” Kaya hindi talaga mauubos yan. Kaya kailangang tingnan natin ang dalawa at lawakan ang pagtingin.

Pinagusapan natin ang urban poverty at tuon natin ay nasa housing. Pero ang tingin ko bahagi ng mandate ninyo ay trabaho. Kahit na anong housing, pero kung walang trabaho. Dito pinagusapan natin ang minimum standards. Ang idea jan ay ang mga tao ay may regular na trabaho ang mga tao. Pero hindi ganyan ang sitwasyon ng urban poor, taga-tinda lang yan ng mga bulaklak diyan. Kaya kailangan din iugnay ang urban poor sa trabaho, sa health, sa education.

Isa rin ang papel ng simbahan. Wala kaming ibang kapangyarihan kung hindi moral persuasion. Ngayon medyo malakas dahil medyo naniniwala ang presidente sa sinasabi ng obispo. E kung magbago ang leadership at hindi maniwala sa mga obispo e wala kaming magagawa. Ganon din sa LUG. Kung sakaling naniniwala ang mayor sa amin, may pressure kaming maiibibigay. Iba pa ang PCUP dahil may mandate sila sa gobyerno. Ang mandate namin ay moral na pressure na maibibigay sa pamahalaan na sana may makatulong diyan.

Ok lang din naman ang partylist sa urban poor dahil kung sasama lang sa ibang partylist, may ibang agenda rin sila. Pagnandoon na sila, sa pork barrel — hindi yan nabibigay sa urban poor, ibibigay yan sa mga kababaihan at sa iba dahil ito ang agenda nila. Ang isa rin sa panig ng simbahan kaya hindi rin kami sumuporta sa mga party-list na pro-urban poor ay nakita namin na sa ibang isyu anti-life sila. Sa ibang isyu hindi sila kaugnay namin. They would go for divorce, for abortion. Yan ay tingnan din natin kung gusto niyong makuha rin ang hanay ng simbahan sa usaping party-list. Ang tingin namin ay hindi lang one issue. Ang pangkalahatan ang titingnan namin kung talagang nakabuibuti nga ng tao ayon sa tingin ng simbahan.

Yan ang gusto kong maihain sa inyo.

Maraming mga pari, maraming mga obispo na gustong tumulong ngunit hindi alam ang isyu ng urban poor. At hindi nila malalaman ang isyu pag hindi ninyo ilalapit sa kanila. Kung maglolobby kayo sa gobyerno, mag-lobby rin kayo sa simbahan. Lapitan ninyo ang mga parish priest at mga obispo para malaman nila ang mga isyu. Ang mga isyu naman ng kahirapan ay malapit sa puso ng mga tao kung malalaman lamang nila.

So these are the scattered thoughts which I would like to share with you. I don’t know if this is helpful or not. Ngunit maraming salamat sa imbitasyon na makasama kayo.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: